Home NATIONWIDE Witness vs Alice Guo, kinompronta ni Bato sa pagdawit sa kanya sa...

Witness vs Alice Guo, kinompronta ni Bato sa pagdawit sa kanya sa POGO ops

219
0

Para mailigtas ang pagkalubog sa isyu ng ilang isyung bumabalot sa nakaraang administrasyon, kinompronta ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang isang resource person ng Senado sa pagdadawit sa kanya sa illegal na operasyon ng POGO.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on women, youth and family relations, sinabi ni Dela Rosa na may impormasyon itong nakalap na pinapipirma ni Mary Ann Maslog si Guo upang idawit siya kasama si dating Pangulong Duterte, Senador Bong Go at isang opisyal ng PNP sa illegal POGO.

Natakasan ni Maslog ang kasong graft noong 1998 textbook scam matapos pekein ang sariling pagkamatay noong 2019, na humarap bilang resource person sa imbestigasyon ng Senado laban kay Guo at illegal POGO operations.

Sinabi ni Maslog sa komite na kinalap siya ng PNP Intelligence Group upang kontakin si Guo at mamamagitan sa pagsuko nito sa Indonesia nitong Setyembre.

Iginiit ni Maslog na kinuha ng PNP Intelligence Group chief Brig. Gen Rome Macapaz ang kanyang tulong dahil malapit na kaibigan ito ni Sual Mayor Dong Calugay, na mayroong romantic relationship kay Guo.

Pero, sinabi naman ni Macapaz na lumapit si Maslog sa kanya at nagsabing may ugnayan siya sa abogado ni Guo, si Attorney Stephen David kaya pinagkatiwalaan niya ito dahil magkakilala sila noong pang 2022.

Ayon kay David, pumunta sina Maslog at PNP sa kanya upang magnegosasyon sa pagsuko ni Guo.

“I trusted her because she was with top PNP brass,” ayon kay David.

Ayon naman kay Maslog, nagtungo siya sa Indoneisa nang dalawang beses – una nang naaresto sina Shiela Guo at Cassandra Ong at pangalawa nang maaresto naman si Guo.

Ibinahagi pa ni Maslog na dapat sana makatatanggap siya ng text message sa awtoridad ng Indoneisia kapag naaresto si Guo, na ikinagulat ng ilang senador.

“What?! An Indonesian officer texted you?” tanong ni Committee Chair Senator Risa Hontiveros.

“Except sa pag-contact kay Alice, wala na siyang ibang authority,” giit naman ni Macapaz.

Ayon kay Macapaz, na ipinakilala nila si Maslog sa Indonesian authorities pero hindi ito isinama nang madakip si Guo. Nagtungo si Guo sa Indonesia sa sariling pamamaraan.

Ngunit, ipinunto ni Senador Sherwin Gatchalian na puwede naman dumirekta ang PNP upang kontakin si David na hindi nila ginawa.

“Kausap niyo pugante,” ayon kay Gatchalian. “Kriminal ito. Bakit ‘di niyo na-detect as intelligence group?”

Sa tugon ni Macapaz, “We only came to know when shinare ng NBI ang information.”

“Big time naisahan kayo,” giit naman ni Senador Joel Villanueva.

Dalawang beses dinalaw ni Maslog si Guo sa PNP Custodial Center kasama si David.

Sinabi ni Macapaz na sinamahan niya sa unang pagkakataon sina Maslog at David kay Guo upang ibulgar ang ilang mahahalagang impormasyon, na hindi nangyari.

Sa puntong ito, lubhang natulala ang ilang senador sa self-proclaimed role ni Maslog sa pagkaka-aresto kay Guo kaya’t kinompronta siya ni Dela Rosa dahil may “interior motive” ang kanyang paglitaw at pakikipag-ugnayan sa pinatalsik na mayor.

“Mayroon akong impormasyon na you are being used para papirmahin si Alice Guo ng affidavit — affidavit na magtuturo na si President Duterte, si Senator Bong Go, si Senator Bato, si [former police Criminal Investigation Detection Group chief Lt.] Gen. Gerald Caramat ay na sa likod ng POGO,” giit ni Dela Rosa.

“I can pin you down! My God! Huwag kang pailing-iling diyan. Alam ko ‘yang impormasyon na ‘yan,” tugon ni dela Rosa kay Maslog.

Ibinabala pa ng senador na, “I have the goods against you!”

Itinanggi ni Maslog ang lahat ng paratang ni Dela Rosa.

Sa puntong ito, inihain ni Dela Rosa na kasuhan ng contempt si Maslog sa pagsisinungaling matapos ilantad nin Macapaz na siya mismo ang lumapit sa kanya upang maging tagapamagitan kay Guo, hindi itong ibinabandila nito.

Sinabi pa ni Macapaz na hindi nito nalalaman ang mga nakaraang kaso Maslog na tinatawag nyang si Jesica Francisco, kanyang alias.

Sa kabilang dako, pinatunayan naman ni NBI Assistant Director Atty. Lito Magno, na magkatugma ang fingerprints ni Maslog at Francisco.

Natuklasan pa ng Senado na base sa birth certificate ni Maslob, ipinanganak ito noong 1985 kaya aabot lamang sa 14 taon siya nang iimbestigahan ang textbook scam.

Hindi nagsalita si Maslog hinggil dito kaya iginiit nag kanyang karapatan laban sa self-incrimination dahil may nakabinbin na kaso sa Sandiganbayan.

“You are a pathological liar,” ayon kay Gatchalian.

Sinabi ng awtoridad sa Senado na hindi nakasuha si Maslog sa textbook scam after matapos itong pekein ang kanyang pagkamatay noong 2019.

Pinalitan ni Maslog ang kanyang pangalan sa Jessica Francisco. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here