Manila, Philippines- Obyus na non-fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kuda nang kuda tungkol sa disgusto sa kanilang movie poster.
Ano pa ba kundi ang sequel na Hello Love Again shot in Canada?
Going over the comments ay puro pang-ookray ang mababasa mo regarding the poster.
Take note, talagang in-enumerate ng mga bashers kung bakit hindi nila feel ang HLA poster.
Unang-una na’y parang minadali raw na gawin ‘yon; in short, petiks-petiks.
Sana man din daw ay sa Canada mismo kinunan ang background dahil it appears na parang sa Laguna lang ‘yon.
Pati ang pang-itaas na suot ni Kathryn na kulay dilaw ay hindi rin nakaligtas sa pamimintas.
At sa poster din daw na ‘yon ay nagmukhang pandak sina Kathryn at Alden.
Hindi raw ba napansin ‘yon ng mismong nag-lay out ng poster?
Wala na raw bang ibang pictures na maaaring gamitin?
Obyus ngang sa mga anti-KathDen loveteam nanggaling ang mga komentong ‘yon.
Buti na lang, may mga pro-KathDen na agad dumepensa para huwag pagdiskitahan ang movie poster.
At sa halip ay kinabiliban nila ang matagumpay na pagbebenta ng tickets sa midnight at block screenings nito, bukod pa sa advance reservation sa mismong araw ng commercial exhibition nito or its opening day. Ronnie Carrasco III