Home ENTERTAINMENT Pulang Araw, nilampaso ng Lavender Fields!

Pulang Araw, nilampaso ng Lavender Fields!

163
0

Manila, Philippines- Kahit ano yatang gawin ng Pulang Araw sa GMA ay hindi nito maùungusan ang katapat na Lavender Fields.

In fairness, both shows are in the Top 10 TV shows on Netflix Philippines.

Pumapangatlo nga lang ang LF sa pinakahuling ratings na naitala nito.

Nangunguna pa rin ang Gyeongseong Creature ng South Korea followed by Australian sci-fi

The Amazing Digital Circus.

Consistently for three consecutive days ay nasa pangwalong spot ang historical action drama series ng GMA.

Samantala, naabot naman ng LF ang all-time high na ratings of more than 755,000 views.

Inaasahang patuloy na ilalampaso ng LF ang PA lalo’t muling napapanood si Jericho Rosales na buhay pala’t nakulong lang.

Samantala, sinagot ng PA head writer na si Suzette Doctolero ang aniya’y “damaging post” ng isang kumuwestyon ng Episode 52 nito.

Ipinaalala ni Doctolero na ang mga kaganapang napapanood sa PA ay nangyari noong 1942 bago sumiklab ang giyera.

Kinuwestyon kasi ng isang dalubhasa ang eksena kung saan may pag-aaksaya ng ammunition, gayong noong panahon daw na ‘yon ay laganap ang scarcity o kawalan ng pagkain, fuel at armas.

Agad namang itinuwid ni Doctolero ang mga inilatag ng dalubhasang viewer.

Aniya, sinisikap daw ng produksyon ng PA na maging tapat sa paglalahad ng kuwento tungkol sa mga tunay na pangyayari noong 1942.

Still, despite PA’s authenticity ay “lotlot” pa rin ito sa teleseryeng ang isa sa mga bida ay anak ni Lotlot de Leon! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here