Home ENTERTAINMENT Willie, nagpaliwanag sa biglaang pagtakbo sa pagka-senador!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Willie, nagpaliwanag sa biglaang pagtakbo sa pagka-senador!October 9, 2024 14:231730 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Hapon na nitong October 8, Martes, nang ihain ni Willie Revillame ang kanyang CoC sa Comelec.Tatakbo si Willie bilang senador sa 2025 elections.Pag-amin ng TV host sa PEP, hindi raw siya nakatulog kagabi bago tuluyang makapagdesisyon.Earlier, bandang hapon ay nasa Wil Tower si Willie para pirmahan ang kanyang CoC.Later, gumayak na nga siya.Aniya, hindi raw alam ng kanyang mga anak at maging mga kamag-anak niya ang kanyang pagtakbo.Ang sa TV host, kung inaakala daw ng tao’y wala nang pag-asa ang ating bayan ay renewed sense of hope ang ipagkakaloob niya.All his life daw ay wala siyang ibang nasa isip kundi ang tumulong sa kapwa.‘Yun din daw ang layunin ng kanyang mga naging programa sa TV.“I’ll do the best I can!” pangako ni Willie kung bibigyan siya ng pagkakataong manilbihan.Hbang sinusulat ito’y wala pang reaksyon ang mga kaanak o kaibigan ni Willie tungkol sa kasado na niyang pagtakbo. Ronnie Carrasco III