AKLAN- DEDO ang isang trike driver matapos lumipad ang minamaneho nitong tricycle kagabi sa bayan ng New Washington.
Kinilala ang biktimang Joseph Lora, 40-anyos at residente ng Pook, Kalibo.
Batay sa report ng New Washington Municipal Police Station, bandang 6:00 PM ng Miyerkules naganap ang insidente sa Sitio Dumlog,Barangay Tambak, ng nasabing bayan.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle pauwi na sana sa kanilang tahanan ang biktima ng bigla lamang itong nawalan ng kontrol sa manibela.
Dahil para lumipad ito at sumalpok sa nakaparadang tricycle at tumilapon ang biktima sa sementadong kalsada.
Sa lakas ng pagkakabagsak nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nabanggit na insidente./Mary Anne Sapico