Home HOME BANNER STORY Tsina ‘hinamon’ ng Pinas sa ASEAN meet ukol sa SCS

Tsina ‘hinamon’ ng Pinas sa ASEAN meet ukol sa SCS

227
0

MANILA, Philippines- Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Premier Li Qiang hinggil sa kamakailan lamang na tunggalian sa South China Sea sa regional summit talks, araw ng Huwebes.

May pangamba kasi na madagdagan o dumami pa ang labanan sa pinagtatalunang katubigan.

Nakapulong ni Li ang mga lider ng 10-member Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagtitipon sa Laos isang araw matapos ang pag-uusap na dinominahan ng Myanmar civil war.

May ilang buwan ang naging serye ng marahas na labanan sa pagitan ng Chinese at Philippine vessels sa katubigan sa paligid ng pinagtatalunang reefs at Isla sa South China Sea.

Tinalakay din ni Pangulong Marcos ang isyu sa pakikipagpulong nito kay Li, iginiit ng Southeast Asian diplomat na dumalo sa pulong na “you cannot separate economic cooperation from political security.”

Ang Li summit ay nakatuon sa kalakalan, at dumating sa kaparehong araw kung saan nakapulong si Australian Prime Minister Anthony Albanese na nagsabing pumayag ang Beijing na bawiin ang mga parusa sa “lucrative lobster industry.”

Subalit, sinabi naman ni Pangulong Marcos sa miting na hindi maaaring magpanggap ang ASEAN at China na maayos ang lahat sa economic front kung saan mayroong tensyon.

Winika pa ng Pangulo na dapat na minamadali ng magkabilang panig ang pag-uusap ukol sa “code of conduct” sa karagatan.

“There should be more urgency in the pace of the negotiations of the ASEAN-China Code of Conduct (COC),” giit niya.

“The definition of a concept as basic as ‘self-restraint’ does not yet enjoy consensus,” wika pa ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, sinabi ng ASEAN na layon nito na isapinal ang code of conduct sa South China Sea sa 2026, isang dokumento na magdedetermina kung paanong ang claimant countries ay mapayapang lulutasin ang mga pagtatalo sa strategic waterway.

Kasama rin sa isasapinal ang dokumento  kung ang COC ay dapat na legally binding o hindi, at kung kinakailangan pa ng non-claimant countries na humingi ng permiso bago pa magsagawa ng aktibidad sa South China Sea. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here