Home NATIONWIDE Pinas sinisi ng Tsina sa water cannon attack

Pinas sinisi ng Tsina sa water cannon attack

MANILA, Philippines- Sinisi ng China ang Pilipinas sa water cannon attack sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ships nitrogen Martes ng umaga sa Panatag (Scarborough) Shoal, kung saan sinabing nanghimasok umano ang Filipino vessels sa teritoryo nito.

Binanggit ng government-owned media China Military Online, sa ulat nitong Miyerkules, ang pahayag ni China Coast Guard (CCG) spokesperson Liu Dejun na sinabing pumasok ang Philippine vessels na may hull numbers 3001 at 3002 sa Huangyan Island (tawag ng China sa Panatag) “without authorization” mula sa Chinese government.

Inihayag ni Liu na dahil dito ay napilitan ang CCG na magsagawa ng “professional, reasonable and legitimate control measures.”

Iginiit ng CCG ang “indisputable sovereignty” ng China sa halos kabuuan ng South China Sea.

“We urge the Philippines to immediately cease its infringements,” wika ni Liu.

Nauna nang inihayag ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na binomba ng CCG vessel ng water cannon ang BRP Datu Cabaylo malapit sa Panatag, ang tradisyunal na Filipino fishing ground halos 220 kilometro sa kanluran ng lalawigan ng Zambales.

Sa isang panayam, inilahad ni Briguera na tatlong CCG vessels at isang Chinese warship “approached at a close distance and shadowed the movements of Datu Cabaylo and BRP Datu Sanday.”

Nagsasagawa ang dalawang barko ng ng resupply mission sa mga mangingisdang Pilipino sa Panatag.

“The CCG vessels also opened and directed their water cannons, but failed to reach” ang Datu Cabaylo, ayon sa BFAR.

Matagumpay namang naisagawa ng BFAR ships ang misyong maghatid ng supply sa pitong Filipino mother boats at 16 small fishing boats sa bisinidad ng Bajo de Masinloc. RNT/SA