Home METRO Libreng dialysis center binuksan ni QC 1st District Congressman Atayde

Libreng dialysis center binuksan ni QC 1st District Congressman Atayde

157
0

Inilunsad ni Quezon City 1st District Rep. Juan Carlo “Arjo” Atayde ang unang libreng dialysis center sa Bgy. Bahay Toro, Quezon City, “isang proyekto na naglalayong mag-alok ng nakapagliligtas-buhay na paggamot sa mga taong higit na nangangailangan nito—ang ating mga kababayan na kapos-palad na nakikipaglaban sa sakit sa bato.”

Sa paglulunsad ng Aksyon Agad Dialysis Center, ipinaliwanag ni Atayde na ang “kidney disease ay isang nangungunang problemang pagkalusugan ng publiko sa bansa.”

“Ayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), ang sakit sa bato ay pang-pitong sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Humigit-kumulang 35,000 na mga Pilipino ang sumasailalim sa dialysis kada taon, at patuloy na tumataas ang bilang na ito. “

Ikinalungkot ng mambabatas na dahil sa mataas na gastusin sa pagpapagamot, “marami sa ating mga kababayan na may sakit ang naiwang nahihirapan, napipilitang pumili sa pagitan ng kanilang kalusugan at kanilang kabuhayan. Buhay, o hanapbuhay.”

“Marami sa atin ay may kakilala—isang kamaganak, kaibigan, o kapitbahay—na dumaan o kasalukuyang dumadaan sa hirap ng pagkakaroon ng sakit sa bato. Para sa iba, ito’y matagal nang laban, at para sa iba naman, ito’y. biglang dumating at lubos na nakakaapekto sa kanilang buhay,” ani Atayde.

Naglalaman ang pasilidad ng 20 dialysis machine mula sa Japan na nagsisilbi ng hanggang 60 pasyente bawat araw.

Ipinunto nito na: “isang bagay lang ang tiyak: ang sakit sa bato ay hindi lang pisikal na pahirap kundi isa ring pasaning pinansyal.”

“Isipin niyo ang sakit na gustong-gusto mong gumaling, pero hindi mo kayang tustusan ang paggamot na maaaring magligtas sa iyong buhay. Maraming Pilipino ang araw-araw ay nahaharap sa ganitong kalunos-lunos na sitwasyon.”

Sa paglulunsad ng center, kinilala ni Atayde ang suporta ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at binigyang-diin na ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga miyembro ng Kongreso ay nakatulong upang maisakatuparan ang center.

Sinabi ni Atayde sa kanyang constituents sa first district na ang kanyang misyon ay “magbigay ng mabilis na aksyon —Aksyon Agad—sa isyu na nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay.

“Ang access sa tamang healthcare ay hindi dapat isang prebiliheyo lang ng iilan, bagkus ito’y para sa lahat.

Hindi dapat para sa iilan, kundi para sa lahat. This dialysis center is a product of that promise. Dito, we are offering not just treatment, but hope.

Ang libreng dialysis ay malaking bagay para sa ating mga kababayang may sakit.

Sinabi ni Atayde na hindi posible ang pagkumpleto ng unang AA Dialysis Center sa tulong ng National Government sa pamumuno nina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez.

“Sa tulong po ng ating national government, nina President Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez, nagpababa ng pondo dito hindi lang po sa distrito uno kundi sa buong Quezon City so definitely po this will be running all throughout the year,” ani Atayde.

Idinagdag ni Atayde na nilalayon nilang magdagdag ng hindi bababa sa tatlo pang Aksyon Agad dialysis centers sa kanyang distrito at binigyang pansin ang kahalagahan ng public at private partnership sa paglikha ng naturang mga center. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here