MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) para sa pagdiriwang ng Undas 2024.
Ayon kay MPD-Public Information Office Cgief major Pilipp Ines, kasalukuyan nang isinasagawa ang tactical at strategic plan para sa seguridad ng bawat magtutungo sa Manila North Cemetery at South Cemetery na pinatatakbo ng lungsod ng Maynila.
Kahalintulad aniya sa nagdaang mga Undas, Oktubre 28 pa lamang ay may nakadeploy nang mga kapulisan sa loob at labas ng MNC gayundin sa MSC.
Sa bilang kung ilan ang MPD personnel na ipapakalat, sinabi ni Ines na maglalabas ang bagong update ang pamunuan ng MPD sa sandaling naplantsa na ang kanilang paghahanda.
Inaasahan kasi na milyong mga bisita mula s aibat-ibang panig ng Metro Manila at karating probinsya at lalawigan ang magtutungo sa sementeryo upang dumalaw sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Samantala, nauna nang naglabas ng iskedyul ang lokal na pamahalaan ng Maynila kung saan sinabi ni MNC director Yayay Castaneda na maaari nang maglinis, at magpintura sa mga puntod ang mga bibisitang kaanak hanggang Oktubre 25.
Suspendido naman ang cremation hanggang Oktubre 28 habang ang opisina ng MNC ay sarado sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3.
Lahat ng serbisyo kabilang ang cremation at libing ay bubuksan muli sa Nobyembre 4.
Mula naman Oktubre 24 hanggang Nobyembre 4, ang main gate ng sementeryo ay bukas mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden