MANILA, Philipines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naloko lamang siya ni Vice President Sara Duterte dahil pinaniwala siyang magkaibigan sila nito subalit hindi naman pala.
“I always thought that we were but I think I have been deceived,” ang naging tugon ni Pangulong Marcos nang hingan ng komento sa sinabi ni VP Sara na hindi sila kailanman naging magkaibigan ng Pangulo.
Aminado naman si Pangulong Marcos na nadismaya siya sa naging pahayag ni VP Sara.
Matatandaang, noong nakaraang buwan ay sinabi ni VP Sara na hindi niya talaga kaibigan si Pangulong Marcos at nagkakilala lang sila nang magtambal para sa 2022 presidential elections.
Sa katunayan nga aniya ay hindi sila nagkakausap ni Pangulong Marcos bago mangyari ang Eleksyon 2022.
Sinabi pa ni VP Sara na ang talagang kaibigan niya ay ang kapatid ni Marcos na si Senador Imee Marcos.
Naging magkatambal at nanalo sa Eleksyon 2022 sina VP Sara at Duterte sa ilalim ng Uniteam bilang presidente at bise presidente.
Itinalaga ni Pangulong Marcos si VP Sara bilang kalihim noong Department of Education (DepEd) noong June 2022.
Subalit, opisyal namang umalis sa Gabinete noong Hulyo 19 at mula noon ay hayagan niyang binatikos ang administrasyong Marcos.
Si Marcos Jr. at Duterte ay tumakbo sa ilalim ng Team Unity noong 2022 na kung saan nakakuha ng higit 31 milyong boto ang una at higit 32 milyon naman ang huli. Kris Jose