MANILA, Philippines – Pasok na sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador ang 66 aspirante para sa 2025 midterm elections.
Sa kumpirmasyon ni Comelec Chairman George Garcia, ang bilang na ito ay mula sa 183 aspirant senators na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.
Ayon kay Garcia, tuloy pa rin ang pagsasala sa mga listahan ng mga nagsumite ng COC ngunit sa ngayon ay 66 pa lamang ang inisyal na nasuri ng kanilang law department na kasama sa irerekomenda sa kanila.
Ayon kay Garcia, may panahon pa hanggang Lunes ang mga nais maghain ng petisyon para maideklarang nuisance ang isang kandidato.
Target namang matapos ng Law Department ang listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at partylist na isusumite nila sa commission en banc sa Miyerkules. Jocelyn Tabangcura-Domenden