MANILA, Philippines – Nakapagtala ng phreatic o steam-driven eruption at volcanic earthquake ang Bulkang Taal nitong Biyernes, Oktubre 11.
Sa monitoring bulletin na inilabas alas-8 ng umaga nitong Sabado, Oktubre 12, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang phreatic eruption ay tumagal ng dalawang minute.
Bukod dito, nagbubuga rin ang bulkan ng 2,256 tons ng sulfur dioxide araw-araw, at mayroong upwelling ng hot volcanic fluids sa Taal Lake.
Dagdag pa, umabot sa taas na 2,400 metro ang ibinuga nitong usok at nananatiling ‘deflated’ ang malaking bahagi ng Taal Caldera at nagkaroon din ng ‘temporary swelling’ sa north at southeast sections ng Taal Volcano island.
Nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC