MANILA, Philippines – Makikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa International Finance Corp. (IFC) sa pagbuo ng panuntunan para sa bidding ng Davao International Airport project.
Sa pahayag nitong Biyernes, Oktubre 11, sinabi ng DOTR na tuminta ito ng transaction advisory service agreement kasama ang World Bank Group unit para ilatag ang terms of reference (TOR) ng naturang airport project.
Itinatakda sa TOR ang deliverables ng interested project bidders na dapat maihatid, dagdag pa ay ang kwalipikasyon at cost projections.
Target ng DOTR na mailabas ang TOR sa loob ng anim na buwan.
Ito ay susundan naman ng paglalabas ng invitation to bid.
“This agreement will formulate the best way to rehabilitate, expand, operate, and maintain the Davao International Airport and other regional airports,” ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista.
Samantala, sinabi ni IFC regional manager Thomas Lubeck, na umaasa silang “leveraging all our experience to make this a success, not only for the government but also for all the end users.”
Ani Bautista, target nilang makumpleto ang buong public-private partnership process sa loob ng 13 buwan.
Bukod sa Davao, target din ng DOTR na paunlarin pa ang mga paliparan sa Busuanga, Bacolod, Bicol at General Santos. RNT/JGC