Home NATIONWIDE Umawat sa away ng kapwa estudyante, binurdahan

Umawat sa away ng kapwa estudyante, binurdahan

124
0

MANILA, Philippines – Isang estudyante ang malubhang nasugatan nang pagsasaksakin ng kapwa niya estudyante makaraang namagitan sa away ng kapwa estudyante sa labas ng eskuwelahan sa Brgy. San Nicolas, Bacoor City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Las Pinas Hospital ang biktimang si Jonas Quijano t y Recto, 20 ng
Woodwinds Creekside, Brgy. Molino 6, ng nasabing lungsod dahil sa tama ng saksak sa katawan.

Patuloy namang pinaghahanap ang suspek na nakilalang si alyas Aerial, 19 ng Blk 13 Lot 13, Cyber St., Green Valley Subd., ng naturang lugar na tumakas matapos ang insidente.

Una dito, sangkot ang suspek sa away sa isang estudyante sa loob ng SHS Campus.

Paglabas ng suspek galing sa eskuwelahan, inabangan nito ang nakaaway na lumabas kasama ang biktima.

Napag-alaman na bandang alas-12:00 kamakalawa ng tanghali, kinompronta ng suspek ang nakaaway subalit namagitan ang biktima kaya sa kanya ibinunton ang galit ng suspek at hanggang sa pinagsasaksak nito ang biktima.

Matapos ang pananaksak tumakas ang suspek at ang nakaaway habang ang biktima ay isinugod sa ospital kung saan kasalukuyang ginagamot. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here