MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig sa deadline ng petisyon laban sa mga nuisance candidate.
Sa abiso ng Comelec, nakasaad na inaprubahan ng Comelec en banc ang extension ng deadline ng paghahain ng “Petitions Against Nuisance Candidates” mula Lunes, Oktubre 14 hanggang Miyerkules, Oktubre 16 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ito ay batay sa Comelec Memorandum na may petsang Oktubre 11, 2024 na may kaugnayan sa Memorandum Circular No. 66 ng Office of the President sa work suspension sa Manila at Pasay sa Oktubre 14 at 15.
Sa ngayon, patuloy ang pagsala ng Comelec sa mga aspirant senators na naghain ng kanilang kandidatura para sa 2025 midterm elections.
Nitong Biyernes, sinabi ng Comelec na 66 mula sa 183 aspirants sa naturang posisyon ang kinumpirmang pasok sa listahan ng mga kandidato na sinuri ng kanilang law department. Jocelyn Tabangcura-Domenden