Home METRO Vendor dedo sa pagdungaw sa bintana

Vendor dedo sa pagdungaw sa bintana

1
0

LAGUNA, Philippines – Patay na ng dumating sa pinaka malapit na pagamutan ang isang vendor, nang barilin ng isang hindi nakikilalang salarin matapos na dumungaw ito sa bintana, kaninang madaling- araw sa Barangay Maulawin Pagsanjan, Laguna

Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib mula sa hindi matukoy na armas na si alyas Gian 43, binata, vendor, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya  sa pinangyarihan ng krimen dakong alas 2:00 kaninang madaling -araw (June 7, 2026) habang ang biktima na kumakain ng prutas sa loob ng  kuwarto nito ,kasama ang isang kaibigan  (witness) nang bigla umanong narinig ng biktima na may tumatawag sa kanyang pangalan sa labas ng kanilang bahay.

Napag-alaman na mabilis na nagtungo ang  biktima sa kanilang bintana   upang alamin ung taong tumatawag sa kanyang pangalan (biktima) subalit pagdungaw nito ay  kaagad itong pinagbabaril ng suspek.

Kaagad na isinugod sa Laguna Medical Center sa Sta Cruz, Laguna ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ang nasabing vendor (biktima).

Samantalang, patuloy na nagsasagawa ng dragnet operation ang mga awtoridad para sa agarang ikadarakip nang tumakas na suspek kung saan nakasuot ito ng kulay itim na hooded jacket,naka  red backpack , sakay ng motorsiklo na kulay itim na Honda TMX patungo sa direksyon ng Sta Cruz, Laguna. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here