Home NATIONWIDE 2 senglot na parak sibak

2 senglot na parak sibak

86
0

CAVITE- NASA hot water ngayon ang dalawang pulis na nag-viral sa social media matapos makabangga ng motorista habang nagmamaneho ng lasing, iniulat kahapon sa Bacoor City.

Nahaharap ngayon sa kasong administratibo ang dalawang police na hindi pinangalanan at nakatalaga sa Special Weapon and Tactics (SWAT) Bacoor City Police Station.

Inamin naman ni Police Lieutenant Colonel John Paolo Carracedo, hepe ng Bacoor Police na tauhan nito ang dalawang pulis at isasailalim ang mga ito sa due process.

Matatandaan na noong Oktubre 9, 2024, nag viral sa social media ang dalawang pulis na nagmamaneho ng lasing gamit ang mobile patrol car ng Bacoor-PNP .

Habang binabaybay ng mga pulis ang kahabaan ng Molino Boulevard sa nasabing bayan, bigla na lamang nilang nabangga ang isang motorista .

Makikita sa kuha ng video ng motorista na kinakausap niya ang pulis at nalaman na lasing dahil hindi na itong makausap ng maayos.

Nakiusap naman si Carracedo sa nabanggang motorista na makipag-ugnayan ito sa kanilang tanggapan para sa karampatang aksyon na gagawin laban sa dalawang pulis.

Kasalukuyan inilagay sa Cavite Provincial Administrative and Resource Management Unit ng PNP ang dalawang pulis habang sumasailalim sa imbestigasyon./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here