MANILA Philippines- Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng dalawang Chinese na umano’y gumahasa sa isa ring Chinese national sa Pasay City.
Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge PCol Samuel Pabonita, ang dalawang arestadong suspects na sina alyas Zheng, 26, at isang babae na alyas Shuang, 37.
Dalawa pa sa mga suspek na kinilalang sina alyas Ahsiu, at alyas Tian, na kapwa Chinese national, ay kasalukuyan pang nakalalaya at pinaghahanap na rin ng mga awtoridad.
Ayon kay Pabonita, base sa natanggap niyang report ay nagkasundo ang biktima na si alyas Lyu, 38, at si alyas Shuang na magkita sa isang hotel sa Pasay upang maipagpalit niya ang kanyang Chinese Yuan sa Philippine Peso bandang alas-3 ng madaling araw noong nakaraang Huwebes (Oktubre 10).
Sa salaysay ng biktima, pagdating niya sa naturang hotel at kumatok ay nagbukas ang mga suspek ng pintuan at sapilitan siyang hinila papasok sa loob ng unit kung saan habang nakatutok sa kanya ang baril ay pinagnakawan siya at umanoý ginahasa pa ng suspek.
Makaraan ang insidente ay nagawa ng biktima na makatakas at agad na humingi ng tulong Sub-station 1 ng Pasay City police at idinedetalye ang panlalapastangan sa kanya.
Sa mabilis na aksyon ng mga operatiba ay nadakip ang mga suspek sa isang residential building sa Parañaque City at nakilala ang mga ito sa tulong ng CCTV footage ng naturang hotel.
Sa pagsasagawa ng iperasyon ay narekober sa posesyon gn mga suspek ang isang Taurus caliber .40 na may magazine na kargado ng limang balata isang caliber .25 na kargado naman ng pitong bala.
Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) director PBGen Bernard Yang ang Pasay City sa pagkakadakip ng dalawang suspek. “This swift and decisive operation underscores our commitment to ensuring the safety and security of our community.”
Kasong Robbery with Rape at paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms and ammunition) ang kinahaharap ng mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police. James I. Catapusan