Manila, Philippines – For sometime, ang pangalang Bea ay masasabing may recall lamang kapag ang pinag-uusapan ay ang movie queen na asawa ng scion ng isang supermarket chain.
Pero dahil pumatok ang pelikulang Pee Mak at nakapagtala ng record na more than 100 million pesos sa takilya, biglang pumaimbulog sa kasikatan ang isang Bea Binene.
Katunayan, silang dalawa ni Barbie Forteza na magkakontemporaryo noon ang pinagsasabong dahil pareho silang produkto ng teen shows at nakapagbida na rin sa kanilang mga serye.
Gayunpaman, mas tinangkilik si Barbie dahil pumatok ang tambalang BarDa.
Napansin din ang galing ni Barang dahil sa mga de-kalibreng proyekto kung saan nagpakitang-gilas siya sa pag-arte.
Sa bagong trajectory ng career ni Bea, wala na siya sa liga ng mga starlet.
May pruweba na kasi siya sa box office na never pang naa-achieve ng kanyang kapanabayan na si Barbie.
All things being equal, paldo naman si Barbie dahil ang daming projects na natotoka sa kanya kung saan napapansin talaga ang kanyang acting prowess.
At any rate, dahil nagpahayag na rin si Bea na open siyang gumawa muli ng projects sa kanyang dating network, hindi kaya mabuhay uli ang rivalry sa dalawa?
Sa kaso ni Bea, hindi na siya basta maiisnab dahil may K na siya.
Marahil, kailangan lang niyang patunayan ang pagiging consistent sa galing at sa pagiging mabango sa takilya with the right projects. Archie Liao