Home ENTERTAINMENT Andrea, nagpaulan ng mura sa pelikula!

Andrea, nagpaulan ng mura sa pelikula!

1
0

Manila, Philippines – Kakaibang Andrea Brillantes ang mapapanood sa bago niyang pelikulang Laya, mula sa Rein Entertainment at sa direksyon ni Sigrid Bernardo, na mapapanood na simula November 25.

Kung sa mga nauna niyang pelikula ay palaging maayos ang kanyang hitsura at pananamit at wholesome ang mga karakter na kanyang ginagampanan, ibang-iba naman ang mapapanood sa kanya rito.

Sa Laya, deglamorized si Andrea at malayo sa kanyang nakasanayang imahe.

Ang siguradong ikagugulat ng moviegoing public, lalo na ng kanyang mga tagahanga, ay ang pagmumura niya sa ilan sa mga eksena ng pelikula.

Isang bagay na hindi madalas makita sa mga dati niyang proyekto.

Agad namang tinanggap ni Andrea ang pelikula nang mabasa niya ang script dahil na-challenge siya sa karakter na kanyang gagampanan.

Para sa kanya, isa itong pagkakataong maipakita ang ibang aspeto ng kanyang kakayahan bilang aktres. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here