Manila, Philippines – Sa vlog ng YouTuber na si Viy Cortez, sapilitan niyang isinama on a short out of town trip sina Ivana Alawi at Zeinab Harake gamit ang isang coaster.
Ayon kay Ivana, nag-worry siya dahil wala siyang dalang damit.
Hirit naman ni Viy, bago raw niya kinidnap ang friend for a getaway ay ipinagpaalam niya ito sa kapatid na si Mona.
Ang trip nila ay naging opportunity para sila makapag-bonding at magwalwalan.
True enough, pagsapit nila ng isla ay dumating ang maleta na naglalaman ng mga damit ni Ivana.
Sa resort, nagtsikahan sila over bonfire pagkatapos nilang magtayo ng tent.
Sumalalim din siya sa question and answer challenge kung saan tinugon niya ang ilang nakahandang katanungan para sa kanya.
Sa tanong kung may bet siyang balikan sa kanyang mga naging dyowa, wala raw siyang lilingunin, ayon kay Ivana.
After ng kanyang mga naging karanasan sa mga ex, short na rin daw ang memorya niya sa mga ito.
Tungkol naman sa kanyang greatest insecurity, ito raw ay ang bilbil niya sa kanyang kilikili at maging sa hugis ng kanyang ilong.
Pero ngayon daw ay keber na lang siya sa mga pumupuna sa kanya.
Katunayan, dapat daw ay maging proud dahil bahagi ang mga ito ng kanyang total package.
Isa raw naman sa maling impresyon sa kanya ay ang imaheng suplada o mataray siya.
Paliwanag niya, natural lang daw sa kanya ang hindi palangiti kaya nami-misinterpret na bitch o mataray siya.
Kung may isang bagay daw naman na ‘hate’ niya na pinagawa sa kanya, ito raw ay ang pagkanta.
Esplika niya, bagama’t kumakanta raw siya ay hindi raw naman talaga siya isang singer.
Hinggil naman sa bagay na bet niyang ipabura sa social media, ito raw ay iyong TikTok video niya kung saan nag-iingles siya.
Hirit niya, nag-aral daw naman talaga siya sa British school kaya inglesera siya at may accent ang English.
Pero kahit daw man siya pag pinapanood niya ang video ay naaartehan siya sa sarili.
Gustong-gusto raw niyang i-delete ang nasabing clip pero hirap siyang gawin dahil matagal na niyang nalimutan ang password ng kanyang account. Archie Liao