Manila, Philippines- Simula October 21, babaguhin ng TV5 ang landscape ng Philippine television sa pagsisimula ng dalawang programa nito.
Magka-back to back sina Ogie Diaz at Korina Sanchez.
Ogie’s Quizmosa airs at 2:30 pm pagkatapos ng Eat Bulaga samantalang si Korina na ang magtitimon ng Face to Face dahil opisyal nang nagbitiw ang host nitong si Karla Estrada.
May showbiz concept ang component ng show ni Ogie na nang-charot pa sa pagsasabing kinakabahan daw siya sa Quizmosa.
“Pero ang totoo, panibagong challenge ‘yon sa akin kasi kung kelan naman ako nagkaedad, eh, saka naman dumarating ang mga ganitong offer. Kaya thank you kay Papa God!” ani Ogie na isa ring talent manager at content creator.
Samantala, give-away naman ang teaser na inilabas ng TV5 bilang anunsyo sa show ni Korina.
Ayon sa teaser: “May K na ba kayong harapin ang mga isyu?”
As we all know, the capital letter K is associated with Korina, it being the letter in the title of her iconic program.
Hindi rin daw magpo-pose ng conflict ang F2F sa kanyang programa sa Bilyonaryo Channel dahil magkaiba naman ang format nito.
Combining both shows na magkaiba ang genre, puwedeng gamiting pang-engganyo sa mga manonood ang paanyayang: “Makitsismis na face to face!”
Marami tuloy ang excited sa kalalabasan ng ratings ng pilot episodes ng dalawang TV5 shows! Ronnie Carrasco III