MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang easterlies sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Martes, Oktubre 15.
Ayon sa PAGASA, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Camarines Norte, at Camarines Sur dahil sa easterlies.
Magdadala rin ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Eastern Visayas.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC