Home NATIONWIDE Mga suspek sa pamamaril sa mag-asawang online seller hawak na ng PNP

Mga suspek sa pamamaril sa mag-asawang online seller hawak na ng PNP

192
0
Arestado ang pitong suspek kabilang ang mastermind at gunman na sangkot sa ambus at pagpatay sa mag-asawang online seller noong Oktubre 4, 2024 sa Barangay Sto. Rosario, Mexico, Pampanga. Ang mga suspek ay iniharap nitong Martes sa media ni Brigadier General Redrico A. Maranan, Police Regional Office 3 director, sa isang press conference na ginanap sa PRO3 Patrol Hall, Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga. Larawan kuha ni Val Leonardo

MANILA, Philippines- Nasa kustodiya na ng mga pulis ang ilan sa mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng mag-asawang online sellers sa in Mexico, Pampanga, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Sa isang press briefing, inihayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ipiprisenta ang mga suspek sa media pagkatapos ng kanilang inquest proceedings ngayong Martes.

“Today po, nakatakda pong mag-inquest po yung [Pampanga Police Provincial Office]. And I understand after ng inquest po, they will be presenting some of the suspects,” wika ni Fajardo.

“Meron po silang mga suspek under custody particularly yung riding-in-tandem,” dagdag ng opisyal.

Arestado ang pitong suspek kabilang ang mastermind at gunman na sangkot sa ambus at pagpatay sa mag-asawang online seller noong Oktubre 4, 2024 sa Barangay Sto. Rosario, Mexico, Pampanga.

Sinabi ni Fajardo na natukoy ang riding-in-tandem suspects dahil nakita sila ng ilang saksi na walang takip ang mukha.

Inihayag ni Fajardo na natukoy na ang mastermind sa likod ng pagpatay kina Arvin at Lerma Lulu. Nang tanungin hinggil sa posibleng motibo, sinabi ni Fajardo na malaki umano ang utang ng mastermind sa magp-asawa.

Todas sa pamamaril ang mag-asawa sa loob ng kanilang sasakyan sa bayan ng Mexico noong Oktubre 4.

Batay sa CCTV footage,  sinundan ng isang motorsiklo na may dalawang pasahero ang itim na pick-up truck ng mga biktima sa Barangay Sto. Rosario. Kasama ng mga biktima ang kanilang anak at kaanak.

Itinigil ng riders ang kanilang motorsiklo at lumapit ang isa sa kanila sa sasakyan, saka umalis sa lugar ang dalawa makalipas ang ilang segundo.

Base sa imbestigasyon, anim na beses binaril si Arvin habang tatlo naman ang tama ng bala ni Lerma. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here