Home ENTERTAINMENT Zephanie, nagsalita na sa isyung pambabasted kay Michael!

Zephanie, nagsalita na sa isyung pambabasted kay Michael!

308
0

Manila, Philippines- Ayon kay Zephanie Dimaranan, ipaglalaban daw niya ang isang tao kapag mahal niya ito.

Natanong naman siya ni Boy Abunda kung ipinaglaban ba niya ang Kapuso actor na si Michael Sager na ngayon ay nali-link kay Cassy Legaspi.

Prangka naman ang naging sagot ng singer.

Aniya, naniniwala raw siyang may panahon ang lahat, na tulad ng pagkakaibigan ay may season.

“I think we really tried to maintain whatever we had before pero naniniwala din po kasi ako na seasonal ‘yung mga friendships and mga relationships mo with certain people.

“So, for me, I’m really content and fulfilled with that season na we had,” makahulugan niyang pahayag.

Inurot din siya ng King of Talk kung naging hindi maganda ang kanilang hiwalayan.

Ayon sa Kapuso singer, never naman niyang binasted ang aktor to set the record straight.

“Wala naman nangyaring breakup just to clear it out, pero I think ‘yung friendship namin, talagang nagbago na siya ever since,” paliwanag niya.

“Again, walang anything bad against each other. We’re still able to work naman po sa ‘All-Out Sundays’ and we’d talk and it’s such a nice feeling to be able to do that, to still work with him in a different way,” dugtong niya.

Si Zephanie ay isa sa mga bida ng youth-oriented show na “MaKa.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here