MANILA, Philippines – Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan dahil sa umiiral na easterlies, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 4 a.m. daily weather update, sinabi rin ng state weather bureau na wala silang na-monitor na anumang tropical cyclone o low pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan dahil sa mga localized thunderstorms.
Inaasahan ang posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa matinding pagkidlat, dagdag ng PAGASA. RNT