Home NATIONWIDE Metro Manila, E. Visayas uulanin

Metro Manila, E. Visayas uulanin

151
0

MANILA, Philippines – Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan dahil sa umiiral na easterlies, ayon sa PAGASA.

Sa kanilang 4 a.m. daily weather update, sinabi rin ng state weather bureau na wala silang na-monitor na anumang tropical cyclone o low pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of ​​Responsibility.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan dahil sa mga localized thunderstorms.

Inaasahan ang posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa matinding pagkidlat, dagdag ng PAGASA. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here