MANILA, Philippines – Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na dumalo sa susunod na pagdinig ng Senado hinggil sa illegal operasyon ng POGO si Lin Xunhan, ang itinuturing na “big boss” ng POGO upang talupan sa lahat ng nalalaman nito.
“I requested the committee to invite him para diretso nating matanong siya, ayon kay Gatchalian.
“Itong si ‘Boss Boga’, nahuli, si Mr. Lin, marami siyang revelations about ‘yung POGO sa Bamban and how si Guo Hua Ping is related to him and to the POGO operations. So, ako, personally gusto kong matingnan yan dahil “big boss” siya e,” dagdag ng senador.
Naniniwala si Gatchalian na magkaka-ugnay ang mga big boss na ito sa iba pang illegal POGO hubs sa iba’t-ibang panig ng bansa.
“So gusto ko ring malaman kung ano pa ‘yung mga POGO hubs na connected sa kanya at sino pa yung mga taong nasa likod,” aniya.
Naaresto si Lin, kilala din bilang Lyu Dong, Boss Boga, Boss Apao, o Boss Bahaw, a isang residential subdivision sa Laguna noong October 10.
Ibinulgar ng isang indibiduwal na dating nagtrabaho kay Lin na nakita niya si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nakikipag-usap sa kanyang boss. Ayon sa saksi, kilala nila si Guo bilang “Madam Wah.”
Pinabulaanan ng abogado ni Guo ang alegasyon.
“Wala. Hindi niya kilala. Sabi niya sa akin hindi niya kilala,” ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Guo.
Nahaharap si Guo o Guo Huang Ping sa tunay napangalan na pawang isang Chinese national na hinihinlang espiya, sa kasong qualified human trafficking case sa Pasig court at graft case sa Valenzuela court. Ernie Reyes