Home NATIONWIDE Israel pinasalamatan ng Pinas sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga Pinoy sa...

Israel pinasalamatan ng Pinas sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga Pinoy sa sigalot sa Mideast

149
0

NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng Israel para sa mabilis na tulong na ibinibigay sa mga Filipino sa gitna ng tumataas na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ang pasasalamat ng Pangulo sa gobyerno ng Israel ay ibinahagi nito sa kanyang opisyal na Facebook page kung saan may kasama pang larawan niya na nakikipag-usap sa telepono kay Israeli President Isaac Herzog.

“I wish to express our gratitude to Israel for the care and support extended to Filipinos working and living in your country,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Israel swift assistance in ensuring their safety, especially during these challenging times, means a great deal to us,” dagdag na wika ng Pangulo.

Hindi naman na idinetalye pa ng Malakanyang ang pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Herzog.

Gayunman, ang sinabi na lamang ni Pangulong Marcos ay nananatili ang Israel na isa sa “trusted bilateral partners’ ng Pilipinas sa Middle East region”, tinukoy ang makasaysayang pagkakaibigan ng dalawang bansa na nauna pa sa pagtatatag ng Israeli state.

Umaasa naman ang Pangulo na mananaig ang kapayapaan sa kaguluhan sa mga apektadong lugar sa Middle East.

“We remain hopeful for am swift path to peace, and together, may we continue to build on the strong bonds between our nations,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga Filipino sa Israel at Lebanon na i-avail na ang repatriation program ng gobyerno ng Pilipinas habang nananatiling available ang mga byahe.

Tiniyak ng Pangulo na mas bibilisan pa ng Department of Foreign Affairs ang repatriation efforts, habang ang Overseas Workers Welfare Administration ang magtsa-charter ng mga flights pauwi ng Pilipinas sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Samantala, tinatayang 162 OFWs mula Israel ang inaasahan na uuwi ng Pilipinas ngayong Oktubre. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here