Home NATIONWIDE Santo Papa lumikha ng bagong diyosis sa Pinas

Santo Papa lumikha ng bagong diyosis sa Pinas

180
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pope Francis ang paglikha ng bagong diyosesis sa rehiyon ng Agusan at ang unang obispo nito, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Kasama sa Diocese of Properidad ang lalawigan ng Agusan del Sur. Ang unang obispo nito ay ang kasalukuyang auxiliary bishop ng Archdiocese of Cebu – Ruben Labajo.

Noong 2023, naghain ng petisyon si Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla para sa paglikha ng bagong diyosesis na magiging independent sa Diyosesis ng Butuan, na kinabibilangan lamang ng Agusan del Norte.

Ang Diocese of Prosperidad ay magiging ika-87 diyosesis ng bansa at magiging suffragan ng Metropolitan Archdiocese ng Cagayan de Oro, ayon sa ulat ng CBCP.

Itinalaga si Bishop Labajo,58, bilang auxiliary bishop ng Cebu noong Hunyo 2022 at naordinahan sa episcopate noong Àgosto 19,2022. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here