Home NATIONWIDE 4 indibidwal kabilang menor, arestado sa pamemeke ng dokumento

4 indibidwal kabilang menor, arestado sa pamemeke ng dokumento

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) ang apat na indibidwal kabilang ang isang menor de edad dahil sa pamemeke ng mga dokumento.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na ang mga suspek ay naaresto sa pagbebenta ng pekeng NBI clearance, land titles, passport at iba pang dokumento sa halagang P700 Hanggang P2,500 sa Maynila.


Bukod dito, pineke rin ang pirma ni NBI Director Jaime Santiago.

Ayon sa NBI, matapos makumpirma ang nasabing illegal na aktibidad sa pamamagitan ng surveillance at test buy operations, agad na isinagawa ang entrapment operation.

Sa operasyon, naaresto sina Paul Christian Abellera, Edgardo Carpio, Jenny Bade Trajano, at ang menor de edad.

Samantala, narekober ng NBI-STF ang mga computers, office tools at mga dokumento tulad ng NBI clearance at certificatesula sa Philippine Statistics Authority at Land Transportation Office, bukod sa iba pa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)