Home METRO España Boulevard bahagyang isasara sa Oct. 18-21

España Boulevard bahagyang isasara sa Oct. 18-21

197
0

MANILA, Philippines- Bahagyang isasara ang westbound portion ng España Boulevard sa Manila mula Oct. 18 hanggang 21 upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng concrete pavement restoration.

Sa abiso, sinabi ng DPWH sa mga motorista na asahan na ang pagbagal ng trapiko sa apektadong lugar dahil sa pagsasara ng outermost lane para sa restoration work ng PLDT Fiberhome na saklaw ang area na 4.5 by 4.6 meters.

Nakatakdang buksan ang mga apektadong lane ng alas-5 ng umaga ng Oct. 21, kasunod ng pagkumpleto ng mga aktibidad na nilalayong paghusayin ang road safety at pavement quality sa kahabaan ng nasabing kalsada.

Hinikayat ang mga motoristang maghanap ng alternatibong ruta sa panahong ito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here