Home NATIONWIDE Bato ayaw pahawakin ni Escudero sa Senate probe vs drug war ni...

Bato ayaw pahawakin ni Escudero sa Senate probe vs drug war ni Duterte

150
0

MANILA, Pjhilippines- Lantarang tinabla ni Senate President Ronald “Bato” Dela Rosa na pangunahan nito ang imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration na siya mismo ang unang nagpatupad bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Escudero na kanyang pinayuhan si Dela Rosa na huwag pangunahan ang imbestigasyon matapos kunan ng reaksyon sa mungkahi ni Senador Risa Hontiveros na buuin ang Senate committee of the whole sa drug war ni Duterte.

“Well haharapin namin ‘yan sa susunod na mga araw, kokonsultahin ko ang ibang mga miyembro pero nakausap ko na si Senator Bato kaugnay niyan at ang sinabi ko sa kanya, anumang imbestigasyon na nais niya’t patungkol sa kanya mismo at kay Senator (Bong) Go, mas maganda siguro kung hindi sila manguna ng komiteng ‘yun para walang alegasyon na ito ay personal at hindi impartial at hindi fair,” ayon kay Escudero.

Pangungunahan ng Senate president kapag binuo ang Senate committee of the whole.

Hindi din tumugon si Hontiveros sa katanungan hinggil sa kagustuhan ni Dela Rosa na pangunahan ang imbestigasyon sa war on drugs na hinihinalang pumatay ng mahigit 20,000 hanggang 30,000 indibidwal kapalit ng pabuya mula P20,000 hanggang P1 milyon.

Kamakailan, inihayag ni Dela Rosa na nakatakda siyang maglunsad ng motu propio investigation sa war on drugs na iimbitahan si Duterte.

Sinisimulan na rin ng PNP ang imbestigasyon sa ilang cold cases ng war on drugs na naganap sa Duterte administration. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here