Home METRO Chinese national tiklo sa panunutok ng baril

Chinese national tiklo sa panunutok ng baril

133
0

MANILA, Philippines- Arestado ang isang Chinese national dahil sa umano’y panunutok ng baril sa kanyang kaibigan sa kasagsagan ng pagtatalo sa Parañaque City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si “Liu,” 32, na nadakip bandang alas-8:10 ng gabi malapit sa isang hotel sa Barangay Don Galo, Parañaque City.

Batay sa police investigation, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at kanyang kalahi na kinilalang si “Fang” habang nasa loob ng sasakyang minamaneho ni “Mark.”

Itinigil umano ni Mark ang sasakyan at humingi ng tulong sa mga tao, buti na lamang at nagsasagawa ang mga tauhan ng Parañaque Police Station Investigation and Detective Management Unit (SIDMU) malapit sa lugar at narinig ang kaguluhan at agad na rumesponde rito.

Pagdating nila, nasaksihan ng mga awtoridad na napigilan na nina Fang at Mark ang suspek at narekober ang baril na itinutuok umano ni Liu kay Fang.

Nasamsam ng mga pulis ang .9mm pistol na may limang bala mula sa suspek na hindi nakapagpakita ng anumang dokumento para sa nasabing armas.

Idinitene si Liu sa police custodial facility at kinasuhan ng grave threat, illegal possession of firearm, at paglabag sa gun ban. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here