Home ENTERTAINMENT Supporters ni Kylie, ‘di maka-move on!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Supporters ni Kylie, ‘di maka-move on!October 17, 2024 18:50 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Moving on seems the most difficult to do as far as netizens sympathetic to Kylie Padilla are concerned.Proof–subukan n’yong itsek ang Instagram ni AJ Raval.Naroon pa rin at hindi niya dine-delete ang mga hate comments ng ilan sa mga kampi kay Kylie.As we all know, ang dating asawa ni Kylie na si Aljur Abrenica ay ang nobyo ngayon ni AJ.Maging ang mga napakatinding comments tungkol sa pagkatao ni AJ ay intact pa rin.Kaya nga masasabing moving on for those Kylie supporters seems far from happening.Hindi pa rin maka-get over ang mga ito by repeatedly saying na isang kabit si AJ.Ito’y sa kabila na ng paglilinaw mismo ni Kylie, ha?Maging ang paggamit ng Bible verse ni AJ ay pinagdiskitahan din.Hindi raw bagay kay AJ na mag-quote ng mga bersikulo sa Bibliya dahil isa siyang sexy star!Parang mapapa-“Teka muna!” ang sinumang makakabasa niyon.To begin with, tumigil na nga sa pagpapaseksi si AJ sa pelikula.Whether it was her choice o kagustuhan ni Aljur, the fact remains na walang kinalaman ang dating screen image niya with quoting Bible verses.Ano nga uli ang nakasaad sa Banal na Kasulatan?“Let he who has no sin cast the first stone.”Klaro? Ronnie Carrasco III