Home NATIONWIDE DSWD: Programa vs malnutrition epektibo

DSWD: Programa vs malnutrition epektibo

191
0

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinutugunan ng ahensya ang usapin upang mabigyan ng epektibong kalunasan ang malnutrition at pagkabansot ng mga bata.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na patuloy na natutugunan ng ahensya ang mga programa para sa malnutrition at pagkabansot ng mga bata sa bansa.

Ito ang sagot ni Dumlao sa ginanap na press conference sa DSWD ukol sa komento ni Senator Allan Peter Cayetano na tila hindi umano epektibong natutugunan ang child stunting o pagkabansot ng mga bata.

“Tinitiyak ng DSWD na mabigyan ng epektibong kalusugan ang mga bata upang matugunan ang malnutrition “ ayon kay Dumlao.

Ayon sa tagapagsalita ng DSWD, patuloy ang kanilang programa para sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang matulungan ang mga bata na matugunan ang malnutrition at makapag-aral ng mabuti ang mga kabataan

Umaasa ang tagapagsalita ng ahensya na epektibo ang isinasagawang programa nito upang matugunan ang malnutrition at pagkabansot ng mga bata. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here