Home METRO Ama tinodas ng kapwa ama sa harap ng kapilya sa away-bata

Ama tinodas ng kapwa ama sa harap ng kapilya sa away-bata

92
0

Bulacan – Patay ang 42-anyos na lalaking driver matapos pagbabarilin sa ulo ng kaalitan sa pagitan ng kapilya at barangay hall sa bayan ng Guiguinto.

Kinilala ang kalunos-lunos na biktimang si Rowell Dela Cruz, J&T driver at residente ng Brgy. Malis habang ang suspek ay isa umanong nagngangalang Jojo Emelo.

Sa report ng Guiguinto police station, naganap ang insidente bandangalas-9 ng umaga nitong Oktubre 16 sa kalapit na kapilya at tanggapan ng Brgy. Tiaong.

Ayon sa imbestigasyon, nagpunta ang biktima bandang alas-8:15 ng umaga sa barangay hall para maghain ng reklamo sa isang Jojo Emelo dahil sa kanilang hindi pagkakaintindihan.

Nang lumabas ang biktima sa barangay ay inabangan na pala ito ng suspek hanggang sa matiyempuhan sa harap ng kapilya at pinagbabaril na agarang ikinamatay nito.

Nabatid na agad tumakas ang suspek lulan ng tricycle sa direksyon ng bypass road, Brgy. Tiaong.

Dahil dito, agad rumesponde ang mga pulis sa lugar at nagsagawa ng follow-up operation para sa ikadarakip ng suspek.

Sinasabing posibleng nag-ugat umano ang sigalot sa away-bata hanggang sa umabot sa away-ama at nauwi sa pamamaril.

Bumuhos ang pakikiramay sa Facebook post ng mga kaibigan, kakilala at kaanak na sumisigaw ng katarungan para sa biktima. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here