Home METRO Gr. 10 hinalay ni titser sa klasrum as N. Ecija

Gr. 10 hinalay ni titser sa klasrum as N. Ecija

144
0

NUEVA ECIJA – Dinamba na awtoridad ang 24-anyos na lalaking guro sa panggagahasa sa kaniyang menor de edad na babaeng estudyante sa loob mismo ng silid-aralan ng isang eskuwelahan sa bayan ng Talugtog.

Base sa imbestigasyon, sinabi ng pamilya ng biktima na nangyari ang panghahalay sa biktimang Grade 10 student noong gabi ng October 8, 2024.

Mayroon umanong aktibidad sa iskul nang mangyari ang insidente. May mga kaklase ring naroon ang biktima, pero ng pagabi na, pinauwi umano ng guro ang mga estudyante maliban sa biktima dahil may problema umano ito sa kanyang grado na kailangang ayusin.

Matapos nito ay tinanggal umano ng guro ang koneksyon sa closed circuit television (CCTV), pinatay ang ilaw at dito na isinagawa na ang pang-aabuso sa estudyante.

Matapos ang panghahalay, binantaan umano ng guro ang biktima na huwag magsusumbong kung ayaw na ibagsak siya sa klase.

Pero pag-uwi, napansin ng mga magulang na umiiyak ang biktima kaya tinanong nila ang dahilan at doon na umamin ang biktima sa ginawang kababuyan ng guro.

Sabi ni Police Captain Marius Maniego, officer-in-charge ng Talugtog Police Station, na agad ding nadakip ang suspek na mahaharap sa kasong statutory rape. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here