Home METRO P12K allowance ng seniors sa Maynila, kasado na!

P12K allowance ng seniors sa Maynila, kasado na!

94
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna ang dagdag allowance para sa mga senior citizen ng Maynila sa bisa ng City Ordinance No. 9081.

Ayon sa alkalde, P12,000 na ang makukuhang allowance ng bawat senior citizen kada taon o P1000 kada buwan mula sa nakaraang P6,000 kada taon.

“Sinikap po natin na maglaan ng pondo para sa dagdag allowance ng ating mga senior citizen dahil batid po natin at ramdam po natin ang kanilang pangangailangan,” ani Lacuna.

“Inaasahan po natin na ang halaga po na ito ay makakatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin at pangangailangang pang medikal” dagdag pa niya.

Ipinasa at inaprubahan ng konseho ngayon ang ordinansa na magtataas ng allowance ng mga senior citizens

Ayon naman kay lola Lily Desalesa mula Barangay 179, laking pasasalamat sa dagdag pensyon ang nais niyang ipaabot sa pamunuan ng Maynila.

“Nagpapasalamat po kami sa increase ng allowance dahil hindi na kami masyadong mahihirapan bumili ng gamot at maintenance unlike before noong maliit pa,” ani lola Lily. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here