Home NATIONWIDE 15 Chinese, 100 Filipino workers huli sa pabrika ng sigarilyo

15 Chinese, 100 Filipino workers huli sa pabrika ng sigarilyo

112
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang nasa 15 Chinese workers at 100 Filipino workers matapos ang isang raid na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang pabrika ng sigarilyo sa Barangay Cinco-Cinco, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang raid ay nag-ugat sa kanilang pinaigting na intensified intelligence efforts.

Aniya, hindi kailangan ang search warrant dahil ang BIR ay mayroong visitorial powers sa mga ganitong Negosyo.

Ibinahagi ni Santiago na sa mga nahuling Chinese national, isa ang nagsisilbing overseer at kayang makapagsalita ng Tagalog.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang daan-daang master cases ng tobacco products kasama ang limang malaking manufacturing machines.

Sinabi pa ni Santiago na ang naturang pabrika ay nagpo-produce ng mga pekeng bersyon ng local at imported cigarette brands.

Ang mga nasamsam na produkto, ani BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ay kayang makalikha sana ng nasa P600 milyon ng excise tax.

Nakuha rin ang mahigit 500,000 pekeng tax stamps sa naturang operasyon.

“If you look at their daily and monthly operations, the potential tax revenue we could have collected is enormous,” ani Lumagui.

Sisirain ang mga nakumpiskang produkto, kabilang ang manufacturing machines.

Nabahala rin si Lumagui sa ‘poor sanitation’ sa loob ng pasilidad, na nagsisilbing banta sa kalusugan ng mga maninigarilyo, higit pa sa banta ng paggamit nito.

“One of the things we noticed was the filth inside the factory. People may not realize the unsanitary conditions in which these products are made,” giit ni Lumagui.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang may-ari ng pabrika, na posibleng nagrerenta lamang ng pasilidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here