Manila, Philippines – Palibhasa first-time dad kung kaya’t understandable kung bakit ngayon pa lang ay aligaga na si Zanjoe Marudo sa pagsasanay kung paano mag-alaga ng baby.
Hulaan n’yo lang naman kung ano kunwari ang karga-karga ng Kapamilya actor para ihele ang baby?
A baby doll? Hinde!
A real baby na hiniram niya kung kanino? Hindi rin!
Tinupi-tuping tuwalya na korteng sanggol? Lalong hindi rin.
Siret? Pusa! As in an innocent cat!
Sa sobra ngang pagkaaliw ng kanyang biyenan na si Sylvia Sanchez ay ipinost niya ang video ng manugang sa kanyang Instagram.
“Ang halakhak ko!” sey ni Ibyang habang pinanonood daw niya ang video showing Zanjoe cradling his newborn babe.
Ipinaghehele kasi ito ng aktor kaya naman performance level ang pag-uugoy nito.
Dagdag pa ni Sylvia, pag walang trabaho si Zanjoe ay pumipirmi na lang ito sa bahay para mag-alaga ng baby nila ni Ria Atayde.
“Little boss” ang tawag ni Ibyang sa kanyang apo.
Natupad na nga ang pinakamimithing pangarap ng multi-awarded actress na magkaroon ng apo.
Madalas kasi niyang sabihin noon na pag tuntong daw niya ng edad 50, gusto na niyang maging lola.
Obviously, isang certified spoiler sa kanyang apo si Ibyang! Ronnie Carrasco III