Home ENTERTAINMENT Ricardo, opisyal na, balik BQ!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ricardo, opisyal na, balik BQ!October 18, 2024 15:011830 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Idol ang turing ng mga fellow inmates niya kay Ricardo Cepeda nang makulong sa Cagayan City Provincial Jail sa Tugegarao.The model-actor had been in prison for nearly a year, at nakalabas na nga kamakailan.Paboritong tutukan ng kanyang mga nakasama sa pitan ang Batang Quiapo.At nang makalaya nga, balik-taping na rin ang gumaganap bilang Mr. Wu.Mr. Wu rin ang pangalan ni Ricardo sa My Binondo Girl which topbilled Kim Chiu and Xian Lim many years ago.Si Ricardo ang featured celebrity sa vlog ni Tintin Bersola.With the actor ay ang asawang si Marina Benipayo na tanging kasama lang niya sa kanilang bahay.Hindi mahilig gumimik o manood man lang ng sine sina Ricardo at Marina.Mas bet nilang magbakasyon in some place para makapagpahinga.Bigla namang nakatanggap ng tawag o call slip ang aktor, pinababalik na sa teleserye ni Coco Martin.Si Marina na ang nagdesisyon para sa kanyang partner: “Sabi ko, saka na muna tayo magbakasyon, mag-taping ka na muna!”Indeed, the couple terribly missed each other that they’re trying to make up for lost time.At home, wala raw ginagawa sina Ricardo at Marina kundi magkulitan nang magkulitan.Nagsusumixteen? Lol! Ronnie Carrasco III