MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) na may layunin na tugunan ang learning gaps na dala ng pandemiya.
Ang signing ceremony ay isinagawa sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Oktubre 18.
”With the signing of the ARAL law, we embark on a definitive journey to champion the right of every Filipino child to quality education—ensuring as well that it is accessible to all,” ayon kay Pangulong Marcos.
”At the heart of this law lies a steadfast commitment to a free and effective learning intervention for our learners from Kindergarten to Grade 10 within our public education system,” dagdag na wika nito.
Ang ARAL Law, isang priority measure na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), hangad na makalikha ng national learning intervention program na dinisensyo para tumulong sa nagsusumikap na mga mag-aaral para maka-catch up ng required standards para sa kanilang grade levels.
Ang ARAL Program ay ina-apply sa K to 10 learners, partikular na ang mga sumusunod:
Iyong mga nagbalik o magbabalik sa eskuwelahan matapos ang pamamahinga;
Iyong mga mababa sa minimum proficiency levels sa pagbabasa, mathematics, at agham: at
Iyong mga bumagsak sa pagsusuri at eksaminasyon sa panahon ng school year.
Ang signing ceremony ay sinaksihan nina Senate President Francis “Chiz” Escudero, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Education Secretary Sonny Angara, Senator Sherwin Gatchalian, at Pasig Representative Roman Romulo at maging ang ibang miyembro ng Kongreso at mga opisyal ng Department of Education (DepEd).
Pinuri naman ni Angara ang pagkakapasa sa batas, sabay sabing “it is a critical intervention at a time when education needs the most support.”
“This law demonstrates our collective resolve to uplift the state of education in the Philippines. With ARAL, we can help students regain their momentum and achieve the learning milestones they deserve,” ayon kay Angara.
Ang ARAL Program ay isang free national learning intervention project na gagamitin ang mga teachers at para-teachers at pre-service teacher o iyong mga estudyante na nag- enrolled sa isang teacher degree program na inalok ng Teacher Education Institutions.
Ang programa ay nakatuon sa pagpapahusay sa “competencies in essential learning areas, including reading and mathematics for Grades 1 to 10, and science for Grades 3 to 10′” ng mga estudyante
Pagdating sa kindergarten learners, ang ARAL Program ay nakatuon sa pagtatayo ng foundational skills para palakasin ang kanilang ‘literacy at numeracy competencies.’
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang ‘government would also engage public telecommunications entities to collaborate by providing free access to DepEd-exclusive learning management systems.’
“These will encompass a multitude of tools—from web-based applications and online educational platforms, to digital libraries and other knowledge hubs—fostering continuous learning for both students and educators,” ang sinabi ni Marcos.
“The law will also provide subsidized data plans to facilitate access to the resources required for academic success,” dagdag pa ng Pangulo.
“Moreover, a portion of the mandated allotment in each broadcasting network’s daily total airtime will now be utilized for supplemental tutorial videos on essential learning competencies, as part of their duty to serve the public good,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng batas, “the DepEd is tasked to coordinate with the Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, the Department of Information and Communications Technology, the Department of the Interior and Local Government and other stakeholders for its implementation.” Kris Jose