Home NATIONWIDE Relasyon kay PBBM, sobrang toxic na! – VP Sara

Relasyon kay PBBM, sobrang toxic na! – VP Sara

214
0

MANILA, Philippines – Inamin ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon siya ng “toxic” relationship kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit bago pa naging maugong ang maalat nilang pagsasama noong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Duterte, naalala niya lamang ito habang nagkikwento sa mga mamamahayag, sa panahon na na-imagine umano nitong tanggalin ang ulo ni Marcos.

Ani Duterte, ang insidente ay nangyari sa isang graduation event, kung saan isa sa mga graduate ang nagtanong kay Marcos kung maaari ba nitong mahingi ang relo ng Pangulo bilang graduation gift.

Tumugon umano si Marcos at sinabing, “Why would I give you my watch?”

“At that point, may sakit na ko [I was already ill], I wasn’t feeling well, gusto ko tanggalin ‘yung ulo niya [I want to cut off his head]. I realized toxic na ‘yung relationship,” sinabi ni Duterte sa isang press conference.

“It did not help na itong mga katabi ko tumawa pa, pinagtawanan pa yung bata [They laughed at the kid]. And I saw the humiliation sa face noong bata,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Duterte na na-imagine niyang sabihan si Marcos na ang pinagsasalitaan niya ay maaaring magbuwis ng sariling buhay para sa bansa sa mga darating na panahon.

Aniya, ang graduate na ito ay maaaring maging bahagi ng pwersa ng bansa sa West Philippine Sea.

“And then I’ll cut his head,” tahasang sinabi ni Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here