Home NATIONWIDE 2 barko nagbanggaan sa Palawan

2 barko nagbanggaan sa Palawan

148
0

MANILA, Philippines – Tumugon ang Coast Guard Station (CGS) Central Palawan sa banggaan na kinasasangkutan ng hindi pa nakilalang sasakyang pandagat at MBCA Jerrylyn sa humigit-kumulang 12 nautical miles silangan ng Canigaran Beach, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan.

Sa ulat, nasagip ng Coast Guard Search and Rescue (SAR) team ang dalawang pasahero ng MBCA Jerrylyn na napilitang tumalon sa dagat.

Dinala ang mga nasagip na indibidwal sa Puerto Princesa Fish Port, kung saan sila sumailalim sa medical evaluations.

Ayon sa CGS Central Palawan, kasalukuyang isinasagawa ang komprehensibong imbestigasyon sa mga detalyeng nakapalibot sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here