Home ENTERTAINMENT Juday, pinagtripan, nakunang nakanganga!

Juday, pinagtripan, nakunang nakanganga!

140
0

Manila, Philippines – Nag-share si Judy Ann Santos sa kanyang hindi makakalimutang karanasan sa kanyang Instagram stories.

Habang nasa biyahe papuntang Kuala Lumpur sa Malaysia, nagplano sana siyang bumawi ng pahinga at maidlip.

Pinahiram niya ang cellphone sa kanyang anak na si Luna para malibang naman ito.

Ginawa rin niya ito para mabigyan siya ng oras para makatulog.

Caption niya: “Sa biyahe namin papuntang KL, from shooting, nag-check lang ako ng mga gamit…hindi nako natulog kasi maaga ang flight… nakauwi ako ng 2am…, hindi na ko natulog para sa eroplano ko na itutulog …kampante kong pinahiram ang telepono sa bunso namin, bilang wala namang wifi sa plane…

“Pwede siyang mag-games at mag-edit-edit para maaliw… at para makatulog ako…”

Ngunit matapos ang halos isang oras, laking gulat niya nang makita ang isang candid photo na kuha ng kanyang bunso.

Nahuli kasi siyang habang tulog ay nakanganga na nakakabawas sa kanyang pagiging glamorosa.

Hirit niya: “akala ko, safe ako.”

Sa post niya, tinag pa niya ang mister na si Ryan Agoncillo na nagkamali siya ng akala.

“Mali ako… maling mali (with laughing emoji) @ryanagoncillo,” hirit niya.

Marami naman ang bumilib sa aktres sa pagiging totoo at sa kakayanan nitong pagtawanan ang sarili. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here