Home HOME BANNER STORY Bulkang Kanlaon, 3 beses nagbuga ng abo

Bulkang Kanlaon, 3 beses nagbuga ng abo

175
0

MANILA, Philippines – Tatlong beses na nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Sabado, Oktubre 19.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tatlong “ashing” events bandang 6:41 a.m., 7:01 a.m at 8:01 a.m.

Tumagal ang mga ito ng dalawa hanggang anim na minuto at mayroon itong taas na 500 metro.

“Volcanic ash in the degassing plume signifies open vent conditions in which volcanic gas can carry fine debris from fractured rock or even from the margins of shallow magma beneath the edifice,” saad sa ulat ng Phivolcs.

Naitala naman ang mga bakas ng abo sa Barangays Yubo at Ara-al sa La Carlota City; at sa Barangay Sag-ang sa La Castellana.

May nakita ring sulfurous fumes sa Barangay Yubo.

Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ang summit crater ng Bulkang Kanlaon ng 2,769 tons ng sulfur dioxide nitong Biyernes.

Mas mababa ito sa average na 4,133 tons per day mula nang pumutok ito noong Hunyo 3.

Samantala, mayroon ding naitalang 12 volcanic earthquakes sa bulkan.

Nananatili sa Alert Level 2 ang babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here