Home HOME BANNER STORY Brutal na pagpatay sa nurse sa Bohol, kinondena ng PNA

Brutal na pagpatay sa nurse sa Bohol, kinondena ng PNA

MANILA, Philippines – Kinondena ng Philippine Nurses Association (PNA) – Bohol Chapter ang brutal na pagpatay at pananaksak sa isang nurse sa loob ng Tagbilaran City hospital.

Dagdag pa nito, nanawagan din ang grupo ng hustisya sa pagkasawi ng 51-anyos na nurse, at sa proteksyon ng mga healthcare worker.

“We mourn the tragic loss of our colleague, a dedicated nurse whose life was senselessly taken by an act of violence within the hospital. We strongly condemn this brutality and urge a swift and thorough investigation to ensure accountability and a safer environment for all healthcare workers,” saad sa pahayag ng grupo nitong Biyernes, Oktubre 18.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNA-Bohol Chapter sa pamilya ng biktima at nagsabing magsilbing paalala sana ang buhay nito para mas mabigyan pa ng proteksyon ang mga healthcare professional na handang magbuwis ng buhay para sa tungkulin.

Matatandaan na ang biktima ay ilang beses sinaksak gamit ang gunting ng isang pasyenteng lalabas na sana sa ospital.

Ang suspek na kinilalang si Marlito Linguis, 31, ng Sevilla, Bohol, ay napaulat na nagkaroon ng argumento sa naturang nurse bago ang pag-atake.

Kalaunan ay sumuko sa mga awtoridad si Linguis.

Nangako naman ang PNA-Bohol Chapter ng suporta para mabigyan ng hustisya ang nasawing nurse at nangako ring magsusulong ng mga reporma upang masiguro ang kaligtasan ng iba pang healthcare workers sa mga ospital. RNT/JGC