Home NATIONWIDE Super health center pinasinayaan ng DOH sa Pangasinan

Super health center pinasinayaan ng DOH sa Pangasinan

195
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region ang groundbreaking ceremony ng Calasiao Super Health Center (SHC) sa Brgy. Dinalaoan, Pangasinan.

Magbibigay ito ng serbisyong pangkalusugan kabilang ang laboratory at medical consultations na malapit sa mga mamamayan.

Sinabi ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco dahil sa lapit ng Calasiao sa isa sa mga pinakamataas na ospital ng DOH, iyon ay ang Region 1 Medical Center, maaari lamang aprubahan ng health department ang pagtatayo ng SHC sa ngayon.

Ire-refer pa rin sa R1MC ang mga pasyenteng mangangailangan ng mas mataas na medical treatment dahil ilang minuto lang ang layo nito.

Ang pagtatayo ng pasilidad ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatiba ni 3rd District Representative Maria Rachel Arenas na naroroon din sa seremonya at ang donasyon ng lote ni Engr. Wilfredo Decena kung saan ito itatayo.

Pinondohan ang palidad sa ilalim ng HFEP – GAA 2023 na mayroon ding P10 milyong pondo para sa phase 1 development. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here