Home METRO COC filing para sa BARMM polls tuloy – Comelec

COC filing para sa BARMM polls tuloy – Comelec

102
0

MANILA, Philippines- Hindi ipagpapaliban ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections sa susunod na taon sa kabila ng insidente noong Oktubre 8 na ikinasawi ng isang tao at nag-iwang sugatan sa iba pa sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) .

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na ang COC filing para sa BARMM polls ay matutuloy sa Nobyembre 4 hanggang 9, 2024 na may election proper na itinakda sa Mayo 12, 2025, kasabay ng pambansa at lokal na halalan.

Ayon kay Garcia, magtutuloy-tuloy at hindi magpapatinag ang Comelec sa filing ng COC, katuwang ang PNP at AFP at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ang insidente ng pamamaril ay nagresulta sa pagkamatay ng isang indibidwal at limang iba pa ang nasugatan sa Shariff Aguak noong Oktubre 8, ang huling araw ng paghahain ng COC para sa 2025 midterm polls.

Sinabi ng Shariff Aguak Municipal Police Station na ang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng tensyon na nauwi sa pagkamatay ng isang miyembro ng barangay peacekeeping action team.

Samantala, minaliit ng Comelec-BARMM ang insidente, at sinabing ito ay isolated case at ang paghahain ng COC sa BARMM ay “generally peaceful.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here